Search This Blog
Welcome to learnfilipinobystories, your go-to source for exploring the rich tapestry of Filipino history and culture. Our mission is to share captivating stories, historical insights, and cultural reflections that highlight the diverse heritage of the Philippines.
Featured
- Get link
- X
- Other Apps
Pamagat: Biag Ni Lam-Ang
Mga Tauhan:
- Lam-Ang (Pangunahing Tauhan)
- Don Juan
- Namongan
- Igorots
- Ines Kannoyan
- Nalbuan
- Kalanutian
Si Lam-ang ay isang hindi pangkaraniwang bata. Pagkapanganak pa lamang sa kanya, nagsalita na siya at naghanap agad ng kanyang ama. Nagulat si Namongan sa kakayahan ng kanyang anak, ngunit ipinakita niya ang pagmamahal at pag-aaruga sa kanya.
Nang siya ay siyam na buwang gulang na, nagpasya si Lam-ang na hanapin ang kanyang ama nang malaman ang masakit na nangyari rito, sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito.
Habang naglalakbay si Lam-ang sa kabundukan ay nagpasya itong magpahinga muna hanggang sa ito’y makatulog. Habang siya ay natutulog, napanaginipan niyang ay nangyaring masama sa kanyang ama kaya dali-dali itong kumilos at natungo sa kuta ng mga Igorot. Nang siya’y makarating doon, nakita niya ang pugot na ulo ni Don Juan. Sa sobrang galit nito, naghiganti at pinagpapatay niya ang mga Igorot. Nagtagumpay si Lam-ang.
Habang papauwi na si Lam-ang sa Nalbuan, naligo naman muna ito sa Ilog ng Amburaya sa tulong ng ilang kababaihan na nadoon din sa ilog na’yun. Sa sobrang dumi ni Lam-ang, namatay lahat ng isda sa ilog at nagpuntahan naman sa pampang ang iba pang lamang ilog.
Nang makarating ito sa Nalbuan, ipinahanda niya ang kanyang magagarang damit dahil pupuntahan nito si Doña Ines Cannoyan. Bago ito umalis ay ipinahalalanan ito ng kanya ina na maraming maliligaw si Ines. Habang papunta si Lam-ang sa Calanutian, nakasalubong nito ang isang kaaway, si Sumarang. Si Sumarang ay isa sa manliligaw ni Ines. Habang nagkakaroon ng diskusyong sa pagitan ng dalawa, sumilip naman si Ines mula sa bintana upang tingnan ang kanyang mga manliligaw. Pagkatapos ng paghaharap ni Lam-ang at Sumarang dumiretso si Lam-ang sa bahay ni Ines Cannoyan. Nag usap sina Lam-ang at ang mga magulang ni Ines. Napagpasyahan ng magulang ni Ines na papayag lang silang pakasalan ni Lam-ang si Ines kung magbibigay siya ng kasing pantay ng yaman ng mga magulang ni Ines. Hindi naman nag alinlangan si Lam-ang at pumayag ito.
Pagkauwi ni Lam-ang sa Nalbuan, sinabi niya sa kanyang ina na ikakasal na siya kay Ines. Pagkatapos ng kasal nila, naatasan naman si Lam-ang na sumisid ng isang uri ng lamang dagat o ‘rarang’. Bago pa man gawin ni lam-ang iyon, napanaginipan niyang may masamang mangyayari sa kanya kaya nagbilin siya sa kanyang asawa na si Ines, na kapag ang hagdan ay umaga ng malakas at ang kusina ay nasira, ang ibig sabihin lang nito ay may nangyaring masama na kay lam-ang.
Kinaumagahan, naghanda na si lam-ang para umalis. Pagkarating niya sa kanyang destinasyon ay agad na itong nagtanggal ng damit at agad na sumisid. Nabigo siyang makakuha ng rarang sa unang pagkakataon kaya sumubok ito ulit. Sa pangalawang pagkakataon, nakain na siya ng pating. Dahil sa nangyari kay Lam-ang, nangyari din ang mga sinyales na binigay ni Lam-ang kay Ines.
Humingi ng tulong si Ines kay Marcos na isang maninisid para hanapin si lam-ang. Namatay si Lam-ang pero nahanap ang mga buto nito at muling nabuhay sa tulong ni Marcos at ng Tandang.
Pagkatapos ng lahat ng pagsubok, namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment