Skip to main content

Featured

Philippine History

Philippine Presidents The Philippines is both a democratic and a republican state. As a democracy, it allows citizens to participate in governance through regular elections and ensures civil liberties. As a republic, it has an elected head of state (the President) and representatives who govern on behalf of the people, following a constitution that outlines the structure of government and protects individual rights. Filipino Foods Filipino culture is deeply intertwined with its food, reflecting regional diversity and historical influences.   

Pamagat: Ang Alamat ng Rosas


Tauhan:
  • Rosa
  • Antonio

Sa isang malayong bayan ay may isang dalagang nagngangalang Rosa na kilala sa kakaibang kagandahan at gayundin sa kanyang mapupulang pisngi, ay kinahuhumalingan ng mga lalaki.

Isang araw pagdating ni Rosa sa kanilang bahay, nakita niya ang isa sa mga manliligaw niya, si Antonio, na nakikipag-usap sa kanyang mga magulang at humihingi ng permiso na ligawan si Rosa, na malugod na pinayagan siya ng mga magulang ni Rosa dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila.

Ang kailangan lamangng gawin ni Antonio ay patunayan ang kanyang halaga kay Rosa.

Nag-udyok iyon kay Antonio, kaya pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Rosa, lalo na ang dalaga na unti-unting nahuhulog ang loob sa masugid na binata.

Noong araw na sasagot sana si Rosa sa kanyang katipan, nagtaka siya kung bakit hindi pa ito dumarating. Doon din niya natuklasan na pinaglalaruan lang siya ni Antonio. Walang tigil sa pag-iyak si Rosa sa kanyang pagbabalik sa kanyang bahay. Nag-alalang nagtanong ang kanyang mga magulang ngunit hindi sumagot ang dalaga. 

Hindi na nakita si Rosa kinabukasan o sa mga sumunod na araw.

Isang araw ay nalaman na may kakaibang halaman ang tumubo sa lugar kung saan dapat magkita sina Rosa at Antonio. 

Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamangay ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.

Comments

Popular Posts